Trending nanaman ngayon sa iba't ibang social media platform tulad ng facebook ang post na ito tungkol sa isang balot vendor kung saan nagkalat ang kanyang mga paninda matapos kuhanin o kumpiskahin ang kanyang kariton.
Sa Colon Street, Cebu City naganap ang pangyayaring ito dahil sa ipinapatupad noon ang clearing operation sa mga kalye at kalsada, nagdatingan ang mga awtoridad para simulang kumpiskahin ang mga kariton na nagkalat sa kalsada o highway.
Ayon naman sa iba nating mga netizen ay naiintindihan naman umano nila na trabaho lamang ang ginagawa ng ating mga awtoridad na pagkuha at pagimpound ng tinda ng ating street vendors pero nakakalungkot daw makita na pinupulot ng mamang tindero ang kanyang balut na kanyang itinitinda.
Ayon naman sa caption sa kanyang post, sana ay hindi na umabot sa ganon ang nangyari dahil maari naman daw nilang daanin sa maayos na usapan at hindi na kailangan pang itapon ang kanilang mga paninda sa kalsada.
At ayon sa nagpost nito sa social media ay nasaksihan niya ang mga pagtrato ng mga awtoridad sa ating mga street vendors tulad ni manong. Sabi pa niya na sana man lang daw ay nag-usap na lamang sila ng maayos para maayos din kung kukumpiskahin nila ang mga paninda ng mga ito. Hindi na sana pinagtatapon ang kanilang mga paninda dahil kung iiisipin ay mahal ang mga puhunan ng mga ito.
Hinaing pa ng nagpost nito sa facebook, marangal ang naghahanap buhay ang balut vendor. Alam nila na huhulihin sila ngunit kailangan nila itong gawin para mayroon silang makain at mabuhay.
Post a Comment