Isang Taho vendor sa Barangay Panamitan, Kawit, Cavite ang nagbigay ng inspirasyon sa mga netizen dahil sa ginawa nya.
Libreng idinagdag sa lamesa ni manong ang ilang baso ng kaniyang panida upang ipamahagi sa mga residente ng kanyang lugar.
Ayon sa pahayag ng Project Starfish sa kanilang Facebook post, nagtayo sila ng community pantry at dito nga naglagay ang kaniyang panindang taho.
Ito ay paraan upang maibsan ang gutom at magpasaya sa mga residente na hindi na magawang makapag-almusal upang hindi sila ma-late sa mga trabaho.
Ito ang post ng Project Starfish,
"We set up a little table and a few cups of taho for anyone who haven't had breakfast yet and yet hungry. While grabbing their free taho, the smile on their face were priceless,"
Dahil nga sa magandang hangarin ng Project Starfish natuwa ang manong na magtataho kung kaya't nagdagdag pa siya galing sa kaniyang paninda.
Ito ang kaniyang naging paraan para suportahan ang Project Starfish na nagpasimula nito.
"And because of that, few more people chipped in to add more cups on the table, even the taho vendor himself," ayon pa sa post.
At mabilisan ngang napaubos ang mga taho at ibig sabihin nito, kahit sa simpleng aksyon na ito madami ang napasaya at napawi ang gutom.
Maliit man o malaki at kahit anong estado pa sa buhay hindi nito mahahadlangan ang pagtulong.
Post a Comment