Pinalabas sa telebisyon ng "KMJS o Kapuso Mo, Jessica Soho" ang kwento ng isang 69 years old na bulag na nakakapagpangopra pa o nakakapagbalat pa ng niyog sa Lupon, Davao Oriental.
Maaga palang ay bumabangon na si Jr Velasquez, o mas kilala sa tawag na Lolo Mano, para makapagsibak ng kahot para sa kanyang lulutuin. Pakapa kapa lamang ang ginagawa ni Lolo Mano, kahit sa mga paghihiwa ng mga gulay pakapa kapa lamang ito. Pagbabalat naman ng niyong ang kanyang hanap buhay kung saan may kontrata sya at sinusundo sa bahay niya kapag sya ay may babalatan na niyog.
Ayon naman sa may ari ng pinagkokoprahan ni Lolo Mano na si Jofrey Lemosnero, iba ang gawa at mas malinis magbalat ng niyog itong si Lolo Mano kung ikukumpara sa kanila na malinaw naman ang mga paningin, dahil mabilis at malinis daw si Lolo Mano magbalat ng niyog. Lagpas isang libong niyogang nakakaya nitong balatankung saaan ay kikita si Lolo Mano ng P300 sa kada araw. Pagtapos ng trabaho ay hindi na ihahatid at magisa nang maglalakad pauwi si Lolo Mano, kung san sya ay nakapaa lang naglalakad sa mabatong kalsada.
Noong isinilang si Lolo Mano ay normal naman daw ang kanyang paningin, ngunit pagkatapos magkatigdas noong siya ay 3 taong gulang pa lamang ay nagsimula nang lumabo ang kanyang paningin at tuluyang nabulag noong sya ang 12 taong gulang. 40 na si Lolo Mano na sya ay makapagpatingin sa Doctor ngunit walang pera para magpaopera.
Noon namang 2016 ay napagbintangan pa si Lolo Mano sa krimen. Kwento niya ay " Pinagbintangan pa ako ng bayaw ko, sabi niya ipapakulong niya ako kasi pinagsamantalahan ko daw ang anak niya pero hindi po iyon totoo. Dahil dun ay naimbistigahan ako. Sa pagimbistiga sakin, hindi nila ako kinulong, Wala silang ebidensya na nakita kaya hindi nila ako kinulong." Pinalayas naman siya ng kanyang kapatid dahil sa nangyari, buti na lamang ay tinanggap sya ng kanyang apo sa pamangkin na si Michelle Urbano.
Sa ngayon ay kinagigiliwan ni Lolo Mano ang musika, Madalas siya ay iniimbitahan sa mga okasyon ngunit sya ay nanghihiram lamang ng gitara.
Sinabi naman ni Dr. Jose Fernando Cuevas, na may poor light perception si Lolo ngunit komplikado na kung magsasagawa pa ng surgery dahil baka tuluyang mawala ang paningin ni Lolo Mano.
Pinaayos naman ng KMJS ang kubo ni Lolo Mano at may kasamang Gitara na ibinigay sa kanya.
Post a Comment