Kahit sa gitna ng dagat, may ayuda! PH Coast Guard, nagbigay ng munting tulong sa mga mangingisda.

Kahit sa gitna ng dagat, may ayuda! PH Coast Guard, nagbigay ng munting tulong sa mga mangingisda.

Kahit sa gitna ng dagat, may ayuda! PH Coast Guard, nagbigay ng munting tulong sa mga mangingisda.

Wala talagang pinipiling lugar ang mga magigiting nating Philippine Coast Guard para makapag bigay lamang ng ayuda.

Nitong Sabado at Linggo, April 24 at 25 ay nagbigay ng ngiti at saya sa mga mangingisda ang munting tulong na hatid ng Philippine Coast Guard kasabay ng kanilang maritime exercise sa Masinloc. 

Bukod sa pagpapakita sa kanila ng Philippine Coast Guard para sila ay mapanatag ay ramdam din ng mga mangingisda ang pagmamalasakit ng mga ito sa kanila. 

Tinatawag na "BAYANIHAN SA KARAGATAN" na ginanap kasabay ng aming maritime exercise kung saan pinangunahan ito ng Task Force pagsasanay ang mga barko ng coast guard at BFAR.

Isa sa mga layunin ng isinagawang exercise na ito ay ang kasiguraduhan ng kaligtasan ng ating mga mangingisda sa laot pati narin matiyak kung sila ay may sapat bang pagkain at inumin sa gitna ng kanilang pangingisda.

Tiniyak din ng ating Philippines Coast Guard na tanungin ang ating mga mangingisda kung sila ba ay mayroong radio para sila ay makahingi agad ng tulong lalo na pag nagkaroon ng emergency sa dagat o kung mayroong malakas na bagyo.

Pinakita naman ng ating mga netizens ang lubos na paghanga at pagsaludo sa ating mga Philippine Coast Guard personnel sa kanilang mga komento ukol dito.

Isa sa mga mandato ng PCG ang itaguyod ang seguridad ng ating katubigan at maprotektahan narin ang ating mga kababayan na nakaasa sa karagatang upang mabigyan ng maayos na buhay ang kanilang mga pamilya.

Post a Comment



close