Isang ama nakapagpatapos lahat ng 8 anak dahil sa pagkayod sa pagsasaka

Isang ama nakapagpatapos lahat ng 8 anak dahil sa pagkayod sa pagsasaka

Isang ama nakapagpatapos lahat ng 8 anak dahil sa pagkayod sa pagsasaka

Tunay ngang kamangha-mangha ang sipag ng mga magulang pagdating sa kinabukasan ng kanilang mga anak. Matinding pagpupursige ang ginagawa mabigyan lamang sila ng maganda at maginhawang buhay. Isang tatay ang nagpabilib na kahit magkandakuba na sa pagtatrabaho patuloy pa rin sya maibigay lamang ang kailangan ng buong pamilya. 

Pagsasaka ang kabuhayan ni tatay. Natitiis niya ang pagod, init, at tirik ng araw masiguro lamang na makakapag-aral at makakatapos ang kaniyang walong anak. 

Walang palya siyang nagtatrabaho buong araw para masuportahan ang mga anak. At dahil sa kanyang pagsusumikap, nakapagpatapos siya ng lahat ng kaniyang walong anak. Lahat ng napagtapos niya ay propesyonal na. Hindi siya makapaniwala na dahil sa kaniyang sipag at tiyaga sa pagsasaka sa bukid, magiging malaki at maganda ang epekto nito sa kaniyang pamilya. 

Ang taong nagbahagi ng kwento ni tatay ay ang isa sa kaniyang mga anak na si Jovy Cataraja-Albite. Nag-viral ang kwento na ito sa social media. Ayon sa post ni Jovy, walang katumbas ang kaniyang pasasalamat sa walang sawang pagsuporta sa kanilang magkakapatid ng kanilang magulang lalo na sa kanilang tatay. 

Si Jovy na nagparating ng kwento na ito ay ang panganay sa walong magkakapatid. Dagdag niya rin na hindi nila mararating o makakamit ang kahit anuman kung hindi dahil sa kanilang mapagmahal na magulang. Nahirapan man sila noon, naging daan ito upang gumanda ang buhay nila ngayon. 

Tumatak sa kanila ng turo ng kanilang magulang na matutong magpursige sa buhay lalo na kung may pangarap ka. Hindi mo ito mararating kung walang kilos na gagawin. Hindi man naging madali sa una, tiyak may magandang bunga. 

Nagkanda kuba man si tatay sa pagsasaka, hindi sila nakarinig ng kahit ano mula dito. Hindi siya napagod at kailanman hindi ininda ito. Para sa mga anak, magandang regalo para sa kanilang tatay ang kanilang natapos na propesyon dahil iyon ang naging bunga ng halos araw-araw niyang pagkayod para sa kanilang tatlo. 

Hindi man humingi si tatay ng kahit anong kapalit, sobrang nakaka-proud pa rin na alam mong may napuntahan na maganda ang lahat ng kaniyang sakripisyo. Tunay na napaka responsableng ama ni tatay. Inuna niya ang kapakanan ng walong anak kesa sa anomang bagay. 

Lahat ng paraan magagawa basta para sa pamilya. Hindi dahilan ang kahirapan upang manatili ka na lamang sa ganiyang sitwasyon. Matutong maging responsable tulad ni tatay. 

Post a Comment



close