Binigay ng lolang ito ang lahat ng kanyang inaning Gulay para sa isang Community Pantry

Binigay ng lolang ito ang lahat ng kanyang inaning Gulay para sa isang Community Pantry

Binigay ng lolang ito ang lahat ng kanyang inaning Gulay para sa isang Community Pantry

Dagsa ngayon ang pagusbong ng community pantry sa iba't ibang sulok ng Pilipinas. Isa lamang ito sa mga patunay na nakakahawa talaga ang kabaitan ng Pinoy.

Ang konsepto ng Community Pantry ay maari nating ihalintulad sa kasabihang "GIVE and TAKE" na kung saan ang ating mga kababayan na may kakayahang magbigay ng kahit anong goods na pwedeng makatulong sa ating mga kababayan. Dinadagsa naman ito ng ating mga kababayan na nangangailangan para sa pang araw araw.

Narito ang isang kwento ng kabutihan na binahagi ng isang netizen na ang isang lolang ito ang nagdonate ng kanyang mga gulay na inani sa isang Community Pantry

Ayon sa nagbahagi ng kwentong ito na si Kuya Jude Acepcion, may mga tanim na gulay si Lola Susan Abrazaldo sa kanyang bakuran at walang pagaalinlangan ay kanya itong ibinigay sa isang Community Pantry sa kanila. 

Halina't basahin natin ang buong kwento ng netizen na nakasaksi sa kabutihan ni Nanay Susan: 

Ayoko sanang magpost about Mobile Kabisig Community Pantry ng aking mga kaibigan na may mabubuting puso sa kadahilanang baka mabash o maissue lang.

Pero di ko na mapigilan na gawin ang post na ito upang mapatunayan na may mga mabubuting tao parin kahit na anong hirap ay gusto parin magbigay imbis na manguha.

Pakilala ko lang si Nanay Susan Abrazaldo, may tanim si Nanay na mga gulay sa kanyang bakuran, nakita niya kami dito sa Villamin na may Community Pantry, walang pagaalinlangan ay dinala niya ang kanyang gulay para ipamigay sa mga kababayang nangangailangan.๐Ÿ’™๐Ÿ’™

Isa lamang si Nanay Susan na simbolo ng BAYANIHAN at TULUNGAN sa gitna ng nangyayaring pandemya na ito, sana lamang ay hindi maissue ang pagtulong natin sa mga nangangailangan. Mas maraming tumutulong mas marami ang matutulungan na nangangailangan! Saludo ako sayo Nay! Gobless you po๐Ÿ’™๐Ÿ’ฏ๐Ÿ™

1 Response to "Binigay ng lolang ito ang lahat ng kanyang inaning Gulay para sa isang Community Pantry"

  1. God bless u nanay susan si god ba bhala sa inyu nanay kay buti buti nang inyung puso nanay more blessing drating sau nay ๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜

    ReplyDelete



close