" A father's love knows no boundaries."
Eto ang naging caption ni Law Tapalla, isang wedding photographer, sa kanyang Fb post na nakaagaw pansin ng maraming netizens.
Ang kanyang posted picture ay isang tatay na may may sakit na nakahiga sa stretcher pero nagawa paring ihatid sa altar ang kaniyang anak na ikakasal.
Ayon pa kay Tapalla na blessed siya dahil nakasaksi sya at nakuhanan niya lahat ng pangyayari sa kasal.
"A Father's Love knows no boundaries. Mr. Perdo Villarin walked her daughter down the aisle like any father would have even if his current health makes this difficult endeavor. Mark and Charlotte's wedding was a celebration of love, not only theirs but a love that joins their families closer to each other. We have witnessed how in every difficult situations there will always be hope and happiness. We're privileged to capture every moment of smiles and tears in this wedding", saad ni Tapalla.
Si Mr. Pedro Villarin na mayroong liver cancer ay siniguradong mahahatid ang kaniyang anak na si Charlotte Villarin sa altar kahit sa anumang paraan.
Nasabi rin ni Charlotte Villarin na para sa kanyang ama talaga ang kaniyang kasal dahil gustong-gusto nitong masaksihan ang kaniyang anak na ikasal.
"That wedding is really for him because he wants to walk me to the altar and witness my wedding since according to him I'm his favorite daughter," saad ni Charlotte
Dinagdag din niya na, inaakala nilang hindi na aabot ang kaniyang ama sa araw ng kanyang kasal dahil isinugod ito sa hospital dulot ng sobrang sakit na iniinda ata nag-pabalik-balik rin sila s hospital.
Kaya sa araw ng kanilang kasal, dahil gustong gusto ng kaniyang ama na makadalo sa kanyang big day, nag hire sila ng ambulansya at private nurse para may mag-alalay sa kanyang ama.
Inakala rin nila na makakaupo ang ama sa wheelchair ngunit nahirapan ito kung kaya stretcher na lamang na galing sa ambulansya ang ginamit.
Sinabi rin ni Charlotte na sobrang sakripisyo at pagtitiis ng sakit na nararamdaman ang ginawa ng kaniyang ama at nagpapasalamat sila sa Diyos dahil sa hindi makakalimutang espesiyal na araw na binigay sa kanila.
Ang kasal nila Mark at Charlotte ay naganap nung nakaraang taon sa Palazzo Verde, Las Pinas City at sa di magandang pangayayari ibinalita ni Charlotte na pumanaw na ang kanyang ama, sumunod araw pagkatapos ng kasal.
Nag-share si Charlotte ng picture niya na nakahalik sa kaniyang ama nung araw ng kaniyang kasal at may caption na, "PAPU, MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA."
Sinabi ni Charlotte na sobrang sakit ng pamamaalam ng kaniyang ama ngunit iniisip na lamang nila na nagawa ng kaniyang ama ang maihatid sya sa altar at walang katumbas ang sayang nararamdaman.
Ang post na ito ni Law Tapella ay umani ng maraming reaksyon and shares, at madami ding netizen ang naantig sa father's love para sa kaniyang anak at nag iwan ng mga positibong comments.
Post a Comment