Narito ang isang kwento na nakakaantig ng puso dahil sa ipinamalas ng isang kasambahay na hindi pinanghinaan ng loob at hindi din nawalan ng pagasa para lang magpursige at magpatuloy sa pagaaral.
Halina't tunghayan natin ang kwento ng buhay ni Grace Labrador Bacus na isang dating kasambahay na lumaban sa buhay para maabot ang inaasam na medalya matapos ng pagaaral bilang isang Magna Cum Laude.
Ibinahagi ni Grace sa facebook ang kanyang kwento, nagmula sa isang payak ang kanilang pamilya at habang siya ay lumalaki ay kanyang naisip na hindi pala siya kayang pagaralin ng mga magulang niya dahil sa 9 silang magkakapatid at sapat lamang ang sinasahod ng kanyang ama para sila ay maitawid sa pang araw-araw.
Pangatlo si Grace sa kanilang magkakapatid at noong siya ay nakapagtapos ng highschool ay kanyang naisipan na magtrabaho at maging kasambahay para siya ay makaipon ng pera para sa kanyang pang college at para narin makatulong sa kanyang mga mas batang kapatid.
10 years siyang naging kasambahay kaya naman siya ay nakaipon para sa kanyang pang-enroll sa college sa edad na 26 ay muli siyang nagaral para ipagpatuloy ang kanyang mga pangarap.
Bachelor of Secondary Education Major in English sa Talisay City College ang kinuha ni Grace na Course.
Hindi naging madali ang kanyang pagbabalik aral sapagkat kasabay nito ang kanyang pagaalaga sa mga nakakabatang kapatid dahil ang kanyang mga magulang ay naghahanap buhay din.
Dahil sa sobrang daming gawain ay hindi maiwasang lumiban sa klase ni Grace at palagi din siyang napagsasabihan ng kanyang guro sa kanyang pinapasukang paaralan.
"You'd better quit because you don't need a degree to take care of children." ayon sa kanyang guro.
Nakakapanghina ang mga sinasabi ng kanyang guro ngunit hindi ito naging dahilan para siya ay tumigil, lalo pa siyang nagpursigi at ginawa itong inspirasyon para maabot niya ang kanyang pangarap.
"Yes word for word, I could still hear you say that. It was engraved in my heart. That the person I expected to understand me was the same person who broke me into pieces for she was supposedly my ADVISER, my second parent." Sabi ni Grace sa kanyang facebook post.
Dahil sa mga hindi magandang karanasan na kanyang naranasan sa kanyang dating adviser ay sinabi niya sa kanyang sarili na kailanman ay hinding-hindi niya ito gagawin sa kanyang mga magiging estudyante bagkus ay uunawain niya ang mga ito at tutulungan para maabot ang kanilang mga pangarap.
Ang pinamalas na kabutihang loob at pagpupursigi ni Grace ay talaga namang nakakabilib at talagang inspirasyon sa mga taong gustong makapagtapos ng pagaaral at may kakulangan sa pera.
Inulan naman ng positibong reaksyon at komento ang post ni Grace dahil sa magandang kwento nito.
Narito ang ilan sa mga komento ng Netizens:
"Ganyang dapat ang mindset ng tao, na kahit kapos sa pera ay gumagawa pa rin ng paraan upang makapag-aral ay abutin ang mga pangarap sa buhay. Saludo ako sa mga taong tulad mo Grace, isa kang tunay na inspirasyon sa lahat."
"Wow, nakakabilib namana ang ipinamalas ni Grace, nagawa pa niyang hindi magpaapekto sa mga sinabi ng kanyang guro. Talagang pursigido makapagtapos ng pagaaral at tuparin ang mga pangarap."
Post a Comment