Maramin na din tayong narinig na mga naipost o naibahagi ng mga estudyante na kahit sobrang hirap ng buhay ay kailanman ay hindi nagpatalo sa hamon ng buhay.
Isa na dito ang kwento ng pagsisikap ng isang dating suki ng kahit ano pang raket ng trabaho para lamang makatulong siya sa mga gastusin ng pamilya at para na rin matustusan ang kanyang sariling pagaaral.
Siya ay naging instructor ngayons sa Unibersidad ng Cebu at nagtuturo na din bulang lecturer sa isang Review Center.
Sinuong lahat ni Jobert ang kahit anong trabaho na pwede nitong pagkakitaan, pagkakarpintero, katulong ng kanyang ama, factory worker, at naging service crew din siya sa isang fastfood chain.
Napilitang tumigil ni Jobert sa kanyang pagaaral pagkatapos niyang magtapos ng highschool sa kadahilanang hindi na kaya pa ng kanyang magulang ang tustusan ang kanyang pagaaral ng college.
Naging katulong siya ng Ama niya sa pagiging karpentero at pagtatayo ng mga bahay bahay para lamang kumita ng pera at masuportahan nila ang kanilang pang araw araw na gastusin at para na rin makapag ipon siya pang enroll niya sa college.
Kukuha na sana siya ng kanyang gustong Kurso na Civing Engineering para maging proud sa kanya ang tatay niya ay hindi siya natanggap dahil sa kanyang mababang marka noong siya ay highschool pa lang.
Pero hindi siya sumuko sa kanyang mga pangarap, nag-enroll siya sa course na BS Industrial Technology major in Civil Technology
Noong akala niya ay okay na ang lahat dahil siya naman ay nakapasa sa lahat ng kanyang subject ng first sem ay saka naman dumating ang pinakamatinding pagsubok na nangyari sa kanilang buhay.
Nasunog at naabo ang kanilang bahay at wala na silang gamit dahil lahat ng naipundar nila ay naabo na.
At kahit na sobrang nakakalungkot ng nangyari ay determinado pa rin si Jobert para matapos niya ang kanyang pagaaral ngunit ilang buwan pa lamang ang nakakaraan ay sinubok nanaman ang kanilang pamilya ng problema.
Nadiagnose si Jobert. Meron siyang appendicitis at kakailanganin siyang maoperahan at isa ito sa naging sanhi kung bakit lalo silang nabaon sa utang.
Dahil sa hindi na talaga kaya ng kanyang pamilya ang pagaralin siya ay wala siyang nagawa kundi huminto sa pagaaral at pinili nalang mag trabaho sa factory para kahit papaano ay makapagbayad sila sa kanilang mga naging utang.
Hindi man kalakihan ang kanyang sinusweldo ay nagawa parin nitong makapagipon sa kanyang halos dalawang taong pagttrabaho, at nakapagenroll na siyang muli, at ngayon ay Civil Engineering na sa Unversity of Cebu.
Dahil sa magastos ang kanyang napiling kurso ay naging working student si Jobert. pinagsasabay nito ang hirap ng kanyang pagaaral at hirap ng pagttrabaho bilang service crew sa Jollibee.
Naging mahirap din sa kanya ang lahat dahil sa kakulangan ng oras, sakto lamang ang nakukuha niyang marka para pumasa hanggang sa kinailangan din niyang magdrop sa iba nitong subjects dahil sa hindi sapat na oras.
"I have failed some of my subjects and even dropped some. Actually, my grades in college are majority 3.0 that is equivalent to 75%. During that time my only goal is to just pass the subjects even I do not gain much knowledge. I'm always on survival mode."
Pumapasok siya dating na tanging twenty pesos lamang ang laman ng kanyang bulsa.
"The most difficult part of my college life was really the money."
"Literally, I am so poor that I can only bring with me 20 pesos for my food and allowance when going to school. Thanks to my girlfriend and friends though, they lend me some if I really needed it the most."
Hanggang sa naigapang naman niya ang kanyang pagaaral at natapos niya ang kanyang kinuhang kurso sa kanyang edad na 24 years old.
At hindi gaya ng ibang tao na pagkatapos na gumraduate ay nagcecelebrate at nagpapahinga muna sa kanilang mga ginagawa. Si Jobert ay walang sinayang na oras, nagreview siya agad at naghanda para darating na board exam, lahat ng ito ay kanyang inatupag mila 7 am hanggang 10 pm ng gabi ay walang tigil sa pagrereview.
"After the day I graduated, I am not a potential topnotcher, but I wanted to change my life. The next morning after I graduated"
"I open my reviewer books directly, even the formal review is not starting yet. Stop procrastinating!. I really push my limit, I wake up 7 am everyday. After having breakfast, practice solve problems, and another study and study and study until 10 PM. Of course have a break for lunch and dinner."
Nagalangan siyang magenroll sa review center dahil sa pinakamalaking problema niya, kapos siya sa budget. hanggang sa nakilala niya si Engr. Chrysler Duaso na isang lecturer sa Gillesania Engineering Review and Training Center. (GERTC)
Siya ay pinakilala sa director ng GERTC na si Engr. Gillesania at nahabag ito sa kanyang pagpupursige at kanyang determinasyon na ipinamalas ni Jobert, libre syang tinanggap sa review center.
"I enrolled to Gillesani Engineering Review and Training Center or (GERTC), thanks to Engr. Chrysler Duaso."
"He introduced me to Engr.Gillesania (Review Director) and enrolled me for free. That was really a blessing. It is very recommendable! No doubt."
At hindi dito natatapos ang kanyang mga problema dahil hindi niya kaya ang bayaran ang kwarto na malapit sa review center, kakailanganin niyang bumyahe ng isa at kalahating oras para makapasok sa review center.
At dumating na nga ang araw na lumabas na ang result ng exam at hindi siya makapaniwala sa mensahe sa kanya. Pasok siya sa Top 10 ng Civil Engineering Exams.
"Honestly, I really believe on signs that God sends us. Everytime I go out for our house before the results of the board. I saw this bible verse on some streets in Cebu, "Trust in the Lord with all of your heart and lean not on your own understanding."
"In all your ways submit to Him, He will make your paths straight Proverbs 3:5-6."
"My girlfriend message this to me the day before the board exam and it really gives me a goose bumps until now."
Dito na nagsidagsaan ang mga job offers sa kanya ng mga kumpanya at nais siyang kuhanin.
Ito ang patunay na ang kwento ng buhay ni Jobert na kahit ano man ang klaseng pagsubok o unos na dumating na susubok ng iyong katatagan, walang makakapagpatumba kung puno ka ng pag-asa, determinasyon, pagpupursige at pananalog sa Diyos.
"I owe this to God. Without him I am nothing, and of course to my loved ones and friends who supported me during my hard times."
Post a Comment