Ngayon ay ibinahagi ng pamilya ni Legendary OPM artist April Boy Regino ang naging tulong na natanggap nila kay Pangulong Duterte
Sa isang post lubos ang pasasalamat ng asawa ni April Boy na si Madelyn Regino kay Pangulong Duterte at sa kasama nitong si Senador Bong Go dahil sa hindi malilimutang pagtulong nito kay April boy hanggang sa huling sandali ng buhay nito.
Ayon pa kay Madelyn ay buwan buwan ang pagbibigay ng pambili ng gamot ni Pangulong Duterte kay April Boy kahit pa naman noong Mayor pa lamang ito ng Davao City.
"Maraming Salamat sa aming mahal na Pangulong Duterte mula noon pa man hanggang sa huling laban ng buhay ng aking mahal na asawa Idol April Boy Regino ay hindi niya ito binitawan," Ika ni Madelyn Regino
"Sa hindi po nakakaalam si Tatay Digong po ang nagbibigay buwan buwan para sa maintenance ng mga gamot ni Idol April Boy, simula pa nung Mayor pa lamang siya hanggang sa naging Presidente na siya." Ika pa ni Madelyn Regino
"Gayundin sa aming mahal na Senador Bong Go at sa lahat ng nakiramay sa unang gabi at sa lahat ng nakikisampatiya sa facebook,messenger,cellphone,youtube mga babasahin at iba't ibang programa sa telebisyon at radyo na binigyan siya ng tribute, maraming salamat po!,"
Kasalukuyan naman nakalagak ang mga labi ni Idol sa Marikina City.
Pinapayuhan naman ng Pamilya Regina na sundin ng mga gustong dumalaw sa lamay ni April Boy na sundin ang mga health protocols.
Isa sa mga pinakasikat sa lahat ng Singer Si April Boy Regino noong 90's.
Ilan ang ang mga kanta na "Umiiyak ang Puso", "Di ko kayang tanggapin", at "Paano ang Puso ko". sa ating mga naririnig hanggang sa ngayon ang kanyang mga kanta.
Matatandaan naman na nagkaroon ng kumplikasyon si April Boy Regino kung saan lumabo ang paningin nito
Patuloy naman ang pagbigay ng tulong sa singer ng malaman nila ang kalagayan ng namayapang singer noon.
Post a Comment