Mga donation na damit para sa mga apektado ng bagyo, itinapon lang sa ilog at kalsada

Mga donation na damit para sa mga apektado ng bagyo, itinapon lang sa ilog at kalsada

Mga donation na damit para sa mga apektado ng bagyo, itinapon lang sa ilog at kalsada

Isang sa ating mga netizens ang nagbahagi sa facebook ng nangyari sa ilang mga damit na donasyon ng ating mga kababayan sa mga naapektuhan ng Bagyong Ulysses ilang linggo lang matapos ang bagyo. 

Sa facebook post ni Sidney Batino inilabas niya ang kanyang sama ng loob sa mga taong ginawang basura ang mga donasyon na binigay sa kanila ng ating mabubuting kababayan.

Hiling ni Syndey na sana ay naibigay na lamang sa mga mas nangangailangan ang mga damit na itinapon at hindi ito gawing basura at itinapon lang sa mga ilog at kalsada.

"Para po sa lahat na magbigay ng relief sa Rizal, sana po maibigay nalang sa may deserved na bigyan para po hindi humantong tulad nyan tinapon lang sa kalsada at ilog. nakakasama lang ng loob pag nakita mo na ganyan ang nangyayari sa binigay mong tulong sa kanila" Ika ni Syndey Batino

"Hanap po tayo ng mas nangangailangan ng tulong yung hindi masasayang yung mga efforts at pagod natin," Dagdag ni Syndey

Pabor naman ang ilang netizens sa kanyang mga sinabi

"Hala sayang naman.. Pinaghirapan yan ideliver. Tas itatapon lang. Sana naman po hindi nalang nila tinanggap.. para naibigay pa sana sa iba.. Nakakawalang gana po yang ganyan.," Sabi naman ni Ronel Agoyaoy

"Grabi naman yan bro Sidney Batino bago pa madala yan jan hirap at pagod traffic lahat na nadanasan tapos ganyan lang nangyari ano," Sabi naman ni Lordlance Naidas

Mayroon din naman mga kaibigan si Syndey na sinabing baka hindi tinanggap ang damit dahil hindi na ito magagamit.

"E sort muna bago ibigay sa kanila kasi hirap na nga kalagayan nila bigyan pa ng mga damit na di na magagamit, basta bigay nalang ok na e sort din para yung di na magamit na damit wag na dalhin like ng mga punit at mga damit ng sinaunang tao," Sabi naman ni Jhoy Fernandez

Sa ngayon ay umabot sa ilang libong shares at komento ang naturang post kung saan makikita ang mga damit na nagkalat sa tabi ng daan at ilog.

Post a Comment



close