Binlock sa facebook ang Ninong na ito matapos hindi magbigay ng P1,000 sa pamangkin

Binlock sa facebook ang Ninong na ito matapos hindi magbigay ng P1,000 sa pamangkin

Binlock sa facebook ang Ninong na ito matapos hindi magbigay ng P1,000 sa pamangkin

Maraming kwento na ang naririnig natin tungkol sa mga ninong at ninang na binablock ng mga magulang ng kanilang mga pamangkin dahil hindi sila nakapagbibigay ng sapat na pamasko. Nakakalungkot lamang na patuloy padin tayong nakakarinig ng gantong kwento lalo na ngayong pasko nanaman.

Tulad na lamang nito, si Ninong Harry Engelo Anthony Paala ang nakaranas matapos siyang iblock ng kanyang kaibigan o kumpare dahil lamang hindi nito nabigyan ng P1000 bilang pamasko ang kanyang pamangkin.

Ayon kay Harry ay P500 lamang ang kanyang kayang maibigay sa pasko. Malaking halaga na kung tutuusin, hindi masaya ang kanyang kumpare sa kanyang ibibigay dahil ang gusto ng kumpare niya ay P1,000 para sa kanyang pamangkin. Sabi pa ng kanyang kumpare na siya na lang din ang magbayad ng kanilang pamasahe dahil apat silang pupunta para kuhanin ang pamasko.

Ang nakakalungkot ay talagang pinipilit ng kanyang kumpare na P1,000 ang dapat niyang ibigay dahil may trabaho naman daw itong teacher at DJ. Sinabi niya rin na wala ng pang gatas ang kanyang pamangkin.

Matapos malaman ng kanyang kumpare na siya ay nagttrabaho na sana Mindoro at hindi maiaabot ang pera ng personal ay pinilit niyang isend ito sa pamamagitan ng remittance center. 

Matapos tanggihan ni Harry ang pagbibigay ng P1,000 para sa gatas ng bata ay nagâlit ang kanyang kumpare at binlock siya sa Messenger/Facebook. Sinabi din ng kanyang kumpare na itext na lamang siya pag nasend niya na ang pera at binlock muna siya nito na ibblock muna siya dahil ayaw niya ng negâtive vibes sa pasko.

Post a Comment



close