Sa balita ng 24 oras, sila ang nagkumpirma na si Willie Revillame ang nag maneho o nag piloto mismong ng kanyang helicopter papunta dito.
Nagpasya si Willie na pumunta sa nasabing lugar dahil sa pag udyok ng isang residente doon sa kanya at humingi ito ng tulong sa T.V host na si Willie. Sinabi ng residente na humingi ng tulong doon na humihingi siya ng tulong dahil hindi nila alam kung paano sila makakabangon dahil sinira ng Bagyong Rolly ang kanilang hanapbuhay at tirahan.
Ang residenteng nanghingi ng tulong ay kinilalang si Elizabeth Espanol.
Mainit na mainit naman ang pagsalubong kay Willie Revillame.
Sabi naman ng Alkalde ng Gigmoto na si Vicente Tayam Jr. ay nagbigay si Revillame ng 5 Milyon para sa Catanduanes at ang dalawang Milyon naman ay para sa kanilang munisipalidad.
Nagbigay din si Willie Revillame ng relief goods at maraming jacket para sa mga residente doon.
Personal din siyang nakipagkita kay Elizabeth Espanol at binigyan niya ito ng P100K.
Nahirapan naman ang mga awtoridad sa pagpigil ng pagdagsa ng tao dahil halos lahat ng residente doon ay gustong makita at makalapit kay Willie Revillame.
Dahil naman sa sobrang dami ng tao ay dinala muna si Willie Revillame sa munisipyo para doon makapagusap sa tulong na ibibigay.
"Hindi ko inaasahan na ganito ang pagsalubong niyo sakin, si nanay (Espanol) napanood kosa 24 oras sabi ko hindi naman pwedeng matutulog ako na may nakikiusap na tulungan kayo," Ika naman ni Willie Revillame.
Malaking tulong ang pagbisita ni Willie Revillame sa mga residente doon dahil nakapagbigay ito ng pagasa at ang mga residente doon ay matagal ng inaasam na makita si Willie na kilala naman sa pag bibigay ng tulong sa mahihirap.
Post a Comment