Tila hindi kumbinsido ang dating OPM artist na si Jim Paredes sa mataas na nakuha ng ating Pangulong Rodrigo Duterte, 91% trust rating ang nakuha sa naganap na Pulse Asia Survey sa gitna ng krisis na nangyayari sa ating bansa.
Sa kanyang twitter na makikita lamang ng kanyang mga followers ay nag gawa si Jim Paredes ng kanyang sariling survey para kontrohin lamang ang resulta ng Pulse Asia, ang Pulse Asia ang nag lalakad ng mga survey sa bansa mula pa noong 1999.
"Let's do a survey on the newest survey. (Pls do your own too). How many believe that 91% of the Filipino's trust the President?
Karamihan sa mga sumagot ay hindi naniniwala sa naging result ng survey ng Pulse Asia.
Matapos niyang isagawa ang survery, Tinanong ni Jim Paredes ang Pulse Asia kung paano ba nila isinagawa ang naging resulta sa survey.
"Questions about Pulse Asia Survey. no 1. Did Barangay Captain choose respondents in the survey area? no 2. Did respondents answer the survey in the presence of tanods? Impt cuz SWS in one survey pointed out that something like 70% felt fear expressing themselves regarding politics and government." yan ang sabi ni paredes.
Sinabi din ni Jim Paredes na maaring mag gawa ang mga netizen ng sarili nilang survey kung hindi sila sang-ayon sa naging resulta ng kanyang sariling survey.
Bukod naman sa pagtatanong sa kanyang mga followers tungkol sa kanila tiwala sa presidente ay nag gawa muli ng panibagong survey si Paredes at ngayon naman ay tinanong niya kung sino ba hanggang ngayon ang pinagkakatiwalaan nila sa pagitan ni President Duterte at VP Leni Robredo.
Katulad na lamang nung una niyang ginawang survey bomoto naman ang kanyang followers at pabor kay VP leni ang karamihan tanging 9.1% lamang ng nasabing botante sa survey ang nagsabing sila ay sumusuporta kay Pres. Duterte.
Post a Comment