Nagtinda na lang ng panggatong na kahoy para mabuhay ang isang nakaka-awang lolo na ito, magisang natutulog sa hagdan

Nagtinda na lang ng panggatong na kahoy para mabuhay ang isang nakaka-awang lolo na ito, magisang natutulog sa hagdan

Nagtinda na lang ng panggatong na kahoy para mabuhay ang isang nakaka-awang lolo na ito, magisang natutulog sa hagdan

Trending ngayon sa facebook social media ang larawan na kuha ng netizen, siya ang nakapansin kay lolo na nakaupo sa hagdan ng saradong tindahan kung saan to natutulog tuwing gabi, sa tabi pa mismo ito ng kalsada, araw araw ito at wala pa si lolong face mask at face shield, kuha ang mga larawan na ito sa Tagumpay, Montalban.

Ayon sa post  ni Ms.Ericka Salvador ay palagi raw niyang nadadaanan ang lolo na ito at kahit na mataas ang sikat ng araw ay naroon lamang siya at hindi umaalis kaya naman nakaramdam ng matinding awa si Ericka Salvador sa matanda.


Ilang araw naman ang lumipas ay hindi nakatiis si Ericka at naisipan niyang gisingin ang lolo at itanong kung bakit ba siya laging natutulog doon sa harap ng tindahan.

Sinabi naman ng matanda na siya daw ay wala ng trabaho at halos dito na siya nakatira, ito lamang ang tanging pinagkukuhanan niya ng pagkain sa araw araw, sa pag titinda ng kakarampot niyang kahoy na panggatong.


May edad na talaga si lolo, ang kanyang edad ngayon ay walumput tatlong gulang na, at hindi pala doon sa montalban siyang tunay nakatira kundi sa Quezon City.

Dahil sa awa ay nagbitiw ng pangako si Ericka na babalikan niya si lolo at aabutan ng kahit konting pera kahit pang meryenda lang.

Pagsapit naman ng hapon ay kaagad na dumating si Ms.Ericka Salvador at ngayon ay hindi na siya nagiisa kasama na niya ang kanyang fiance upang maabutan ng pandagdag na makakain ang lolo. Gulat na gulat ang lolo dahil di niya akalain na babalik ang babae upang tupadin ang huli nitong sinabi sa kanya.


Gusto naman ni Ms.Ericka na humiling na manawagan sa ating mga mabubuting netizen na sana ay maabutan si lolo kahit konting tulong lamang. Nagpasalamat naman si lolo sa mga tumulong at gustong tumulong sa kanya sinabi niya din na isa siyang sundalo noon.

Makikita sa ibaba ang buong facebook post ni Ms Ericka Salvador tungkol sa matandang kanyang nakikita sa tabi ng daan, sa facebook page na Taga Montalban kami buy and sell at mayroong #Sana ay marami pa po ang tumulong kay tatay"

"Napadaan ako ng tagumpay, Last time na nakita ko siya natutulog sa tabi ng daan at walang FACESHIELD at FACEMASK at napaka taas pa ng sikat ng araw kaya naisipan ko siyang gisingin at pa-miryendahin at siyempre para matanong ko siya kung bakit dun suya natutulog kahit sobrang init at tumugon naman siya sakin

Dito na raw siya nakatira at dito mismo sa hagdan na ito siya naghahanap buhay, ang hanapbuhay ni lolo ay nagtitinda ito ng kahoy na pang-gatong yun lang daw at yun lamang ang kanyang hanap buhay. Si lolo ay hindi talaga taga montalban siya ay taga QC ang kanyang edad ay 83 na taong gulang pero naghahanap buhay padin siya, sana po ay maraming mabuting puso ang tumulong kay tatay, salamat din daw po sa inyong tulong sabi ni lolo na sundalo pala noong araw. Godbless"


Sabi ko sa kanya na babalikan ko siya para mabigyan ng facemask at pati nadin faceshield, pagsapit ng hapon ay bumalik kami ng aking fiance at gulat na gulat pa si lolo ng makita niya kami kasi binalikan ko daw siya, ang ganda ng kanyang ngiti at tingin ko naman ay kahit konti napangiti ko si tatay sa maliit ko na tulong sa kanya, ang sarap lang talaga na tumulong kahit maliit lang sa tulad ni tatay na Mag-isa at nahihirapan sa ganoong sitwasyon, Godbless sayo tatay!"

Post a Comment



close