Isang napakabuting Police na galing pa sa Asingan, Pangasinan ang nabigyan ng parangal dahil sa pagsauli nito ng bag na naglalaman lang naman ng P3.2 Million Pesos na naiwan sa isang restaurant sa Rosales, Pangasinan.
May mga ilang negatibo na nabuo sa ating isipan tungkol sa ating mga kapulisan dahil ang iba ay may ginagawang hindi maganda ngunit ganon pa man ay may mga nananatiling matapat at marangal na ginagawa ang kanilang mga tungkulin sa bayan.
Ayon naman sa nilabas na balita ng PH NEWS AGENCY, ang pulis na sinabi ay kilala sa pangalan nitong CPL. Marold Ferrer Cabrera, 30 years old at siya ang nagbalik ng bag sa mayari nito na naglalaman ng mamahaling alahas at nagkakalaga lahat ng ito ng umabot 3 Milyon at cash na P200K pesos.
Sa kanyang interview ay sinabi ni Cabrera na masaya siya sa kanyang ginawa at naging desisyon dahil nakagawa siya ng kabutihan at karangalan ito sa ating Panginoon na nakakakita ng lahat ng mga ginagawa natin dito sa mundo patago man o bulgar.
Sinabi din niya na karangalan din ito para sa Philippine National Police o PNP.
Sinabi din naman ni Cpl. Cabrera na hindi siya nag isip na kunin ang pera at mga alahas dahil hindi naman kulang o sapat naman ang kanyang sinasahod bulang pulis para sa kanilang pangangailangan ng kanyang 3 anak at asawang full time mom na siyang nagaalaga sa kanilang mga anak.
"Pinanindigan ko ang pagiging Kristiyano dahil sa totoo lang yun naman ang dapat gawin, ang ibalik sa may-ari ang ang hindi sayo. Kaya lang, nagiging big deal dahil hindi na siguro ito normal." Ika ni Cpl.Cabrera.
Nabanggit din naman ni Cpl.Cabrera na naisip niya na ang mga bagay na maari niyang mabili sa halagang iyon.
"To be honest, naisip ko po yung mga bayarin, yung mga bagay na gusto kong bilihin gaya na lamang ng motor, Pero mabilis lang maubos ang pera at higit sa lahat hindi ito kalugod lugod sa diyos kapag ginawa ko ang mga bagay na iyon." dagdag pa ni Cpl. Cabrera.
Pinaliwanag ni Cabrera kung saan niya natagpuan ang bag, sabi niya na siya ay kumakain lamang sa isang resto malapit sa pangasinan nitong September 18, 2020.
"Kumakain ako nun sa isang resto ng mapansin ko na may isang babae na kabilang sa isang grupo ng mga tao ang umalis at di nito napansin na naiwan niya ang kanyang dala dalang bag. Tumayo ako para icheck ang lamanng bag at nakita ko naman na naglalaman ito ng napakalaking halaga ng pera." Sabi ni Cpl. Cabrera
"Agad akong sumakay sa kotse para sundan yung sinasakyan ng babae na umalis kanina na nakaiwan ng bag." Ika pa ni Cpl. Cabrera
Naabutan naman agad ni Cpl.Cabrera ang nasabing sinasakyan ng babae na huminto sa tabi ng kalsada ng Tarlac.
"Alam ko naman hihinto ang mga to dahil napansin din siguro ng babae na parang nawawala ang kanyang bag at sigurado nataranta ito." dagdag pa ni Cpl. Cabrera
Pagkapunta ni Cabrera ay agad naman niyang inabot ang dala dala nitong bag sa driver ng sinasakyan ng babae na papalapit din pala sa kanya. Pagtapos ng pangyayari ay tinext daw si Cpl.Cabrera ng babae upang tanungin kung siya ba ang nakapulot sa nasabing bag.
"Nakikipag-usap sa aking ang may-ari ng bag sa pamamagitan ng text message at tinatanong kung ano daw ba ang nakapulot ng bag. Hindi ko na sinagot dahil naibalik ko naman na ito sa kanya, hanggang sa tinanong na ako ng aming PPPO o Pangasinan Police Provincial Office director tungkol sa nangyari." Sabi ni Cpl. Cabrera.
"Sinabihan po ako na tumawag na sa central office ang babaeng nagtetext sakin na may ari ng bag at nag report ng nangyari sa kaniyang bag." Sabi pa ni Cpl. Cabrera
Hindi inaasahan ni Cpl. Cabrera na paparangalan siya ng Pangasinan Provincial Office Director at binigyan ng letter of recommendation dahil sa kanyang ipinakitang katapatan sa tungkulin, nito lamang lunes Oct 12, 2020 sa kanilang virtual flag ceremony.
"Ibalik natin sa may-ari at maaring ito ay pagsubok lamang. Nakasanayan natin isipin na biyaya ito, ang ating diyos ay napakaraming paraan upang tayo ay bigyan ng blessings, hindi niya gugustuhin na may mawalan o malungkot na iba para lamang magkaron ka. Ibalik natin kasi marami pang blessings dyan na matatanggap mo." Sabi ni Cpl. Cabrera sa kanyang pahayag.
Gusto din maging magandang modelo ni Cpl.Cabrera na tapat na Pulis sa kanyang 3 anak na ang edad ngayon ay 10,3 at ang kanyang bunso na 4 na buwan pa lamang.
Isa ito sa napakaraming patunay na may mga Pulis padin na matapat sa kanilang tungkulin hindi katulad ng mga nababalita sa social media na may ginagawang hindi maganda, May mga ilan parin talagang mabuti at hindi ipagpapalit ang kahit ano man na bagay sa kanilang prinsipyo.
Tulad nalang ni Cpl. Cabrera ng Pangasinan Prov. Police, Saludo kami sa mga tulad nyong pulis, pagpalain pa kayo ng ating diyos.
Post a Comment