Pilipinang OFW sa Kuwait pinigilan ng kanyang Amo habang papunta sa PH Embassy sa Kuwait.

Pilipinang OFW sa Kuwait pinigilan ng kanyang Amo habang papunta sa PH Embassy sa Kuwait.

Pilipinang OFW sa Kuwait pinigilan ng kanyang Amo habang papunta sa PH Embassy sa Kuwait.
Isa sa ating kababayan na OFW sa Kuwait ang hinabol at pinigilan ng kanyang amo nang sya ay magtangkang pumunta ng Philippine Embassy sa Kuwait.


    Mayroong video ito sa facebook group/page na OFW JOIN Force - Boses at Kakampi ng mga OFW, Dito naipost ang video kung saan may isang babae na nakadamit kulay itim marahil ay ito ang amo ng OFW. Kinausap nito ang OFW, ang babae sa litrato na naka pajama pero hindi din nagtagal ay parang kinukwelyuhan ng amo ang OFW na makikita sa larawan habang patuloy pa din sa pagsasalita. Makikita din dito na inalis ng Pilipina ang pagkahawak sa kaniya ng babaeng ito.


    Sa video naman ay maririnig ang tinig ng babaeng amo na wag umalis ang Pilipinang OFW hangga't maari.

Makalipas ang ilang sandali ay mayrong lumapit na lalaki sa puwesto ng amo at ng OFW. Kinakausap ng lalaki at OFW ang amo para bitawan na siya ngunit patuloy padin ito sa kanyang pagsasalita at pilit pa ding pumipiglas sa pagkakawahawak ang sa kanya ang Filipina OFW.

    Hanggang sa matapos ang naturang video ay hindi padin natigil sa pagsasalita ang among babae sa pagkakahawak sa Filipina OFW. Tuloy padin ang pagkausap sa kanila ng mga lumalapit na kalalakihan.


    Napukaw naman ang atensyon ng mga netizen at umani ito ng sari saring komento.



Ika ng isa sa nagkomento "Sinong siraul0 na katulong na tatakas sa amo kung walang mali sa loob ng bahay kung mabuti ang amo walang lalayas na katulong."

    May nagkomento din na isang netizen na mabuti nalamang daw at nakaalis siya sa bahay ng kanyang amo, at agad na nakalapit sa mga guard na ito.


    "Tama ang ginawa ni kabayan, tumakbo sa embassy, para alam ng embassy ang nangyayari na akto hinahabol sila at pilit siyang kunin para saktan lamang."Ika ng isa pang netizen.

Sa ngayon ay may humigit 11,000 reaksyon at halos dalawang libong komento ang naitala ng nasabing video sa isang Facebook Post.

Post a Comment



close