Marami pa ding mga lugar sa ating bansa ang sumasailalim sa quarantine at dahil dito ay napakarami ang nananamantala at gumagawa ng masasamang gawain at hindi sila napipigil ng crisis na ito.
Nito lamang ay may isang matandang babae ang nagtangka na ibudol ang mga tao sa isang tahanan.
Binahagi naman agad ni Cheii Dimatulac ang nangyari sa kanya at ang post na kanyang ginawa ay nag viral at halos umabot ng 150k shares sa social media, nakalagay sa post kung paano siya nakaiwas sa pangbubudol ng matandang babae na hindi niya naman inaasahang masamang tao pala.
Makikita sa ibaba ng artikulo na ito ang buong post ni Cheii Dimatulac, at siguradong may matututunan kayo na maaring makapagligtas sa inyo kung sakali mang magkaroon ng ganitong sitwasyon sa inyong buhay sa hinaharap.
Ang buong kwento ni Cheii Dimatulac tungkol sa kanyang karanasan sa pangbubudol:
"I just want to share my experience kanina (can't sleep a bit trauma)
at about 11 am in the morning someone saying 'tao po' at excited ako dahil akala ko delivery ng mga parcel ko, she has inocent face, aged 50 sobrang amo pa ng muka 5'2 ang kanyang height naka pang araw araw lang na damit at tinanong niya ako.
Paguusap:
Siya: Hi nasa abroad pa mama mo?
(My brain: W*F? sino naka abroad? di ko siya kilala, bat sakin siya nagtatanong eh bagong gawa bahay ko which is separate sa aming luma na bahay,? at bakit sakin siya nagtatanong kung kilala niya naman nanay ko? Iba din ang bahay ko sa dating bahay namin sana doon siya sa lumang bahay namin nagtanong kung kilala niya talaga kami. Bakit tinanong niya agad mama ko eh hindi pa naman niya nakikita muka ko since 5 meters ang layo namin sa isa't isa, at sobrang di ako kita sa screen door)
Nilock ko agad ang screendoor knowing na ako lang at baby ko ang nandon nung mga panahon na yun.
Ako: Bakit sino po sila?
Siya: Nasan nanay mo nasa abroad paba?
Ako: Bakit? Sino kaba?
Siya: Kumare niya.
Ako: Ano pangalan ninyo para sabihin ko nalang sa kanya.
Siya: Kumare niya yung nakasama niya sa kasal
(Di siya makapagbigay ng pangalan at sa tingin ko di niya kilala nanay ko, THIS IS A RED FLAG PARA SAKIN)
Siya: Pakibuksan ng konti yung pintuan para makita kita.
(W*F KAILANGAN MO AKO MAKITA?)
Ako: ay bakit kailanga nyo pa akong makita? Hindi pwede, bukod sa pandemya ay hindi ko kayo kilala! (pasigaw na sabi ko)
Siya: Nandito ba nanay mo? Nasan na sya?
Ako: Nasa abroad (Trying to mislead her) sabihan ko nalang na dumaan ka ano ba kasi pangalan mo para masabi ko sa kanya
Siya: Sabihin mo kumare niya nakasama niya sa kasal doon
Ako: ah si tita beth yung kinasala siguro? (hinulaan ko lang pangalan na to para hulihin siya)
Siya: oo si beth. yung kinasal na inaanak ko siya yun.
Ako:(Budol nga to, wala kaming kilalang beth sa lugar nayon meron man iisang tao lang kilala namin ni nanay ko at hindi beth pangalan niya)
Ako: Sige sabihin ko nalang dumaan ka.
Siya: Manghihingi sana ako ng tulong baka ikaw bigyan mo nalang ako, eto reseta ng inaanak ko halika bumaba ka tignan mo.
(Kailangan nya siguro buksan ko ang pinto para may ipaamoy sakin)
NOTE: Hindi siya reseta nilikot na papel lang siya, as in maliit lang na papel yun.
Nakita niya lolo sa kabila.
Siya: Kilala ko yang matanda na yan sa kabilang bahay lolo mo yun diba?
(kung kilala sya ni lolo pupuntahan dapat siya nito)
Ako: Oo nandoon din lahat ng mga tito ko, wait tawagan ko sila.
Siya: Aa sige sabihin mo nalang sa nanay mo.
***END***
Natakot ako kasi si baby lang kasama ko, thank god hindi nag ingay babay ko, wala akong video since nanonood siya ng cocomelon nung mga oras na yun,.
Pandemic na't lahat gumagawa ng paraan para kumita, magsilbi sana itong lesson para maging aware tayo sa lahat ng nangyayari sa paligid.
NEVER SIYANG NAGBIGAY NG KANYANG PANGALAN AT NAGTANONG AKO NG MORE THAN 10X , NILITO KO SIYA MARAMING BESES AT UMOO SIYA MEANING HINDI NIYA TALAGA KAMI KILALA.
Post a Comment