Hindi na napigilan ng estudyan na ito ang kanyang pagiyak sa dami ng sasagutan na tanong sa kanyang module.
May isang facebook post ang trending ngayon na ipinost ni Cladine Julia Salazar Quilab, makikita na ang bata ay umiiyak at panay ang pagmamaktol sa mga taong nakapaligid sa kanya dahil ito sa dami ng kanyang sasagutan sa module.
Hinagis na sa inis ng batang ito ang kanyang lapis at hindi padin matinag sa pagiyak at pagreklamo sa kanyang tatay.
Ngunit ang ama ay hindi pumapayag sa kanyang gusto na itigil na ang pagsasagot.
"Kung umiyak ka, may maidadag ba ito sa iyong mga sagot?" Ika ng ama ng bata.
Ilang sandali pa ng magtatapos na ang bidyo ay hindi na napipigilan ng bata ang pag galaw ng pag galaw dahilan narin sa hindi niya alam ang gagawin upang makapag pahinga sa pagsagot.
Sinabi naman ng uploader na si Cladine ay labing isa na module kada isang linggo ang kailangan sagutan ng bata at binibigyan naman nila ito ng tamang oras ng pagsagot at pagpahinga.
10,000 Reaksyon at 24,000 na pagbabahagi ang natamo ng bidyo na ito sa social media.
Sa ngayon na may new normal ay kailangan din magadjust ng lahat lalo na ang mga estudyante at kailangan nilang sagutan ang mga module na pinapasagutan sa kanila dahil hindi maaring magkaron sila ng face-to-face learning.
May ilang mga grupo naman ang nabuo dahil hindi sila sang-ayon sa announcement ng Department of Education o DepEd at ang kanilang mga hiling ay sana tinigil na lamang ang klase buong taon o magkaron ng academic freeze kaysa mahirapan ang mga bata sa ganitong sitwasyon.
Post a Comment