Liham ng isang ina para sa DepEd: "Pakinggan niyo po sana kami"

Liham ng isang ina para sa DepEd: "Pakinggan niyo po sana kami"

Liham ng isang ina para sa DepEd: "Pakinggan niyo po sana kami"

Nagkaroon na tayo ng Online class mula pa noong October 5 dahil sa ating dinaranas na krisis ngayon, ang pagkakaroon ng klase ng 2020-2021 ay mayroong dalawang uri, ONLINE LEARNING/CLASS at Learning module.

Makalipas pa lamang ang isang linggo sa pagkakaroon ng online class learning ay napakarami na ang nagreklamo at nagbigay ng kani kanilang komento tungkol sa dinaranas sa online class., sabi na iba ay dapat raw na ito ay ihinto at ipagpaliban muna ng DEPED ang pagpasok sa online class learning.

Ayon sa post ni TeeJay Jimenez, nagpapasalamat ito sa deped dahil sa kabila ng pinagdaraanan natin ngayon sa ating bansa ay nagawan ng paraan ng deped ang ating pagaaral.

Ngunit kahit gano man natin to kagusto ay sadyang maraming tao ang kulang sa abilidad para sumabay,  matapos lamang ang isang linggo ay naramdaman na agad ito ni Teejay, kung paano siya nahihirapan sa online class learning

Sabi ni Teejay ay hindi naman siya nagrereklamo pero hindi naman daw sila LET passer pati ang ilan sa mga magulang ay hindi naman din nakapagtapos ng pagaaral.

Sabi pa niya na bukod sa kanilang pag gabay sa kanilang mga anak ay mayroon din silang gawaing bahay at kailangan din nila magtrabaho at dapat din iyon tuunan ng atensyon.

"Kailangan din po naming pumunta ng palengke, maglinis ng bahay, magalaga at halos lahat samin ay tumutulong na para makapaghanap buhay para kahit papano ay maging sapat para sa aming pangangailangan," dagdag pa ni Teejay.

At muli isa nanaman si Teejay Jimenez sa mga nakiusap sa DepEd na sana ay bawasan ang "learning task" na kanilang pinapagawa sa mga studyante dahil hindi na maayos ang kalagayan ng mga ito, mga batang puyat para lamang makatapos sa gawain.

"Pakiramdam po namin ay araw-araw kumukuha ng test ang aming mga anak."

dagdag pa ni Teejay Jimenez na stress sa mga bata ay mas lalong stress para sa kanilang mga magulang, awang awa din si Teejay sa mga guro dahil kailangan ng mga ito na isa isahin ang checking.. sila naman ay may sarili ding pamilya at mga anak.."

"Ito naman po ay paki-usap lamang..Bawasan lamang po ang workload ng mga bata na nagiging workload na din ng mga magulang.." Sabi pa ni Teejay.

Halos umabot sa 20,000 reaksyon at 30K Share nito sa kanyang facebook account. 

Ito ang ilan sa mga naging komento ng ating mga netizens: 

Post a Comment



close