Sya ang tapat na empleyado nagbalik lang naman ng bag na may PHP800k halaga ng mga alahas, may PHP20k binigay na pabuya sa kanya.

Sya ang tapat na empleyado nagbalik lang naman ng bag na may PHP800k halaga ng mga alahas, may PHP20k binigay na pabuya sa kanya.

Sya ang tapat na empleyado nagbalik lang naman ng bag na may PHP800k halaga ng mga alahas, may PHP20k binigay na pabuya sa kanya.
 


Maraming kasabihan sa mundo pero iilan dito ang nagkakatotoo tulad na lamang ng, masusubok mo ang isang tao kapag nariyan na ang tukso.

Sa kalagayan natin sa kasalukuyan mas darami pa ang krisis na ating kakaharapin kaya't marami sa atin ang gumagawa ng paraan upang makapagtrabaho at makapagipon ng pera kadalasan sa tindi ng pangangailangan ay hindi na naiisip ng iba kung ano ang masama at mabuti basta sila ay magkaroon lamang ng pera.


Pero dito ay mayroon isang kwento ng katapatan na pinamalas ng tapat na empleyado at sinauli niya ang bag na kanyang napulot na may 1M halaga ng mga alahas.

Sa ibang balita may nagpunta mismo sa office ng PNP camp Wenceslao Q. Vinzons, Barangay Dogongan, Camarines Norte ang lalaking ito na nagbalik ng nasabing bag.

Siya ay isang may mabuting loob na samaritan, siya si Ener B. Rojo, sya ay isang job order no. Employee ng engineering office at nakatira sa barangay 3 camarines norte.

Ayon sa lalaking si Ener Rojo ay nakita niya ang bag na nakalagay sa labas ng lotto outlet at kanyang itong personal na binalik sa tanggapan ng nasang istasyon ng pulisya.

Nalaman ng mga Pulis na si Ener Rojo ay isang job order employee sa kapitolyo ng Camarines Norte.

Sabi ni Pcol  Marlon Tejada (Provincial Director ng PNP Camarines Norte) mas pinili ni Ener na ibalik ito ng personal sa nagmamayari nito na siya mismo ang haharap para ibalik.

Nagpunta si Rojo upang ibalik ang mga jewelries na nagkakahalaga ng PHP800K mismong sa harap ni Mrs. Araceli Apolinario (May ari ng bag) (Senior Citizen) at saksi dito sila Pcol Marlon Tejada at PLCol Rogelyn Calandria hepe naman ng Police Community affairs sa tanggapan ng PNP sa Camp Wenceslao.


Nagkaharap si Mrs Araceli at Ener at kanyang ibinalik ang bag na may mga alahas kay Mrs. Araceli.


Lubos lubos naman ang pasasalamat ni Mrs. Araceli kay Ener at sa kabutihan at pagiging tapat ni Rob ay binigyan ito ni Mrs. Araceli ng PHP20K bilang ganting pala sa pagbalik ng kanyang mga alahas.

Binigyan din agad ng pagkilala ni Pcol Tejada ang pagiging matapat ni Ener.

Dagdag pa ni Mrs. Araceli, kanyang inilagay ang mga larawan ng kanyang alahas at ang pabuya nito sa makakapagbalik.

Isa ito sa mga nagpapatunay na hindi lahat ng tao ay may masamang hangarin at hindi porket mahirap ay sasamantalahin na ito, marami pa din tao ngayon ang mabubuti at mas gugustuhin na gumawa ng kabutihan sa kapwa.

Marami ang humangang netizens dahil sa pagiging matapat ni Ener Rojo, hindi siya naakit sa malaking halaga ng mga alahas na kung iisiping mabuti ay pwede niya itong kuhanin na lamang pero mas gusto niya padin ang gumawa ng kabutihan sa mundo.

Maraming mga netizens ang nagsasabi na dapat na siyang gawing regular sa kanyang trabaho dahil na din sa pagiging matapat nito. 

"Wow, Good job, kuya. Napakabait mong tao. Pagpalain ka ng Panginoon dahil sa kabaitan mo, Sana marami pa ang maging katulad mo."

"Joborder ng kapitolyo dapat maging regular kana. kitang kita na mapagkakatiwalaan ka at maswerte ang mga paglilingkuran mo kuya"

"Hindi natukso sa kbila ng pandemya, iregular na yan ng government"

"Pinaka magandang reward niya ay maging regularna dahil isa siya sa magiging magandang modelo sa isang empleyado. Do corrupt at di silaw sa pera."

Post a Comment



close