Nakakalungkot ang eksena na ito lalo kung ang iyong Ina ay isang OFW (Overseas Filipino Worker) at naiwan ang mga anak sa Pilipinas para makapagtrabaho sa ibang bansa.
Sobrang hirap ang pinagdadaanan ng isang OFW lalo na pag tinitiis nila ang lungkot ang pangugulila sa kanilang mga naiwang pamilya sa Pilipinas para lang makapagtrabaho at kumita ng pera.
Sa kadahilanang malayo ang magulang o Ina ay hindi nila nasusubay-bayan ang kanilang mga anak at kasama na dito na hindi nila nagagabayan ng maayos ang kanilang mga anal kaya't kung minsan ay hindi tama ang asal ng mga ito habang nalaki.
Katuparan ng pangarap ng kanilang mga anak ang dahilan kung bakit sila nagtitiis sa pangugulila at para nadin maibsan ang kanilang buhay sa Pinas.
Ang kumita ng maayos at maipadala sa Pilipinas para sa kanilang mga anak.
Pero paano ang gagawin kung ang anak na mismo ang nagsabi ng mga masasakit na salita laban sa kanilang mga magulang ng dahil lang sa hindi ito nakapagpadala ng pera agad.
May isang inang OFW ang katulad na katulad ang istorya, hindi inaasahan ng inang ito ang mensahe at napakasakit na salita mula sa sarili nitong anak pagkatapos niyang hindi matupad ang pagpapadala ng pera sa itinakdang oras para dito.
Ito ang ilan sa mga screenshot ng usapan ng magina, makikita dito na walang karespe-respeto ang anak sa kanyang ina.
Makikita din sa mga screenshot na sinabi ng ina na hintayin ang perang kanyang ipapada ngunit ito ay hindi natuloy at kinabukasan na lamang sana ito ipapadala.
Pilit na sinasabi ng anak sa kanya na sumabay muna ito sa iba para lang makalabas ng bahay at makapagpadala ng pera para dito.
"Puro ka pala bukas ng bukas sinabi ko na ngayon ako magbabayad eh." yan ang sabi ng anak.
Maayos naman na nagpaliwanag ang kanyang ina na hindi nito maipapadala sapagkat hindi siya pinayagan ng kanyang mga amo na lumabas kaya hindi natuloy ang kanyang pagpapadala.
MlNURA kaagad siya ng kanyang anak at dinagdagan pa nito ng mga napakasasakit na salita, dahil lang hindi nakapagpadala ng pera..
Hindi naman ito pinalampas ng kanyang ina at pinagsabihan niya ito na sana naman ay respetuhin siya at siya ay nagpapakahirap sa ibang bansa hindi para bastus bastusin lamang nito.
Post a Comment