Dating Senator Trillanes, hindi sang-ayon sa 91% trust rating na nakalap ni President Duterte

Dating Senator Trillanes, hindi sang-ayon sa 91% trust rating na nakalap ni President Duterte

Dating Senator Trillanes, hindi sang-ayon sa 91% trust rating na nakalap ni President Duterte



Tila hindi sang-ayon ang dating senator na si Senator Antonio Trillanes IV sa resulta ng survey na inilabas ng Pulse Asia ngayong araw ng Lunes, October 5, 2020.


Maalalang sabi naganap na survey ay nakakalap ng 91% na trust rating si President Rodrigo Duterte at ang Vice President Leni Robredo ay nakakalap lamang ng 50% trust rating.
Ayon kay Senator Trillanes na isa sa mga aktibong nagkikritiko kay Duterte ay nagtataka siya kung paano naisagawa ang Survey ng Pulse Asia habang nakapatupad ang community quarantine sa bansa.


Ika pa niya na noong September ay hindi pa makakabiyahe sa panghimpapawid ang mga local na nastranded kaya't nagtataka siya kung paanong nakapagtanong o nakapagsurvey sa iba't ibang lugar sa bansa ang survey firm.

Ang tanong tuloy ni Trillanes, may magic bang nangyari sa ginawang survey.


"Just wondering how Pulse Asia was able to conduct a nationwide face-to-face survey last September when domestic flights are only allowed for LSIs? Magic carpet ride?" Ika ni Antonio Trillanes



Nabura din agad ni Trillanes ang Tweet na ito ng walang kadahilanan.


May mga tulad din ni Trillanes na hindi makapaniwala sa nasabing survey result ng Pulse Asia.


"Pulse Asia, more like False Asia lmao," ika ni @Edmanalo sa kanyang twitter

"Pulse Asia just came out with a survey that says 9 out of 10 Filipinos approve of Duterte's handling of the pandemic.. Why do I find it hard to believe?" Ika naman ni _gnobad sa kanyang twitter.


Post a Comment



close