Isang sa mga kongresista ang hindi nakapagtimpi kay Speaker Alan Peter Cayetano at Camarines Sur 2nd District Rep.Luis Raymund Villafuerte.
Inaya nitong makipagsuntukan si Cayetano matapos siyang pagbintangan ng Speaker na ginagamit umano nila ang kanilang mga posisyon para makagawa ng hindi tamang gawain, Galit na aya ni Negros 3 District rep. Teves.
Kasama din si Pacman Representative Mikee Romero sa pinagbintangan ni Speaker Alan Cayetano.
"Mga mga kasamahan tayo na illegitimate ang mga negosyo. Or illegitimate yung mga business practices, "Ika ni Alan Cayetano
"Sa tamang panahon, kapag natapos ang budget, I will confront former Deputy Speaker Mikee Romero and Cong. Arnie Teves sa kanilang business practices at ang paggamit nila ng pagiging kongresista para sa illegitimate na gawain," Dagdag pa ni Alan Cayetano.
Pinabulaanan naman ni Arnulfo Teves ang sinabing ito ni Cayetano at sinabi din niya na wala siyang ginawagawa upang mapaalis ang kasalukuyang Speaker.
"Sabihin mo kay Alan Peter Cayetano at Lray Villafuerte kung gusto nila, magharap kami. Kung gusto nila, magsuntukan kami. Okay lang," Ika naman ni Arnulfo Teves.
Maaalalang nabalita na ang sagutan ni Arnulfo Teves at Villafuerte sa Viber group ng Congress.
Pinagbintangan ni Villafuerte si Arnulfo Teves na ginagamit ni Marinduque rep. Lord Allan Velasco upang hindi maipasa ng 2021 budget sa ilalim ng leadership ni Cayetano.
Pinabulaanan naman din ito agad ni Arnulfo at tinawag niyang tagilid ang kasarian ng Camirines Sur rep.
Hindi naman nagpatalo si Villafuerte at sinabi nito kay Arnulfo Teves na baka siya ang tagilid.
Inawat naman sila ng mga kasamahan nila sa kongreso.
Ka alyado ni PRRD ang mga nasabing kongresista.
Post a Comment